HANDANG MAG-"DARING" SI ATOM ARAULLO
Monday, March 23, 2009
CO-ANCHOR SA "KALYE," ANG BAGONG HEARTTHROB NG ABS-CBN NEWS Ilang beses nang ipinamalas ni Atom Araullo ang pagiging daring sa "Kalye," kung saan sumabak siya mula sa pagpapalipas ng gabi sa lansangan, pagpasok sa bilangguan, hanggang sa pagsuong sa panganib upang makahukay ng ginto sa ilog ng Montalban, Rizal na kaniyang gagawin ngayong Lunes (Mar 23).
Pati sa hubaran, walang inuurungan ang batang anchor ng "Kalye" na si Atom. Minsan na ngang nagpakita ng katawan si Atom noong naging kaminero siya o tagalinis ng imburnal. Tuwang-tuwa ang mga taga-hanga niyang babae at binabae dahil bukod sa guwapo ay maganda rin ang pangangatawan ni Atom dahil sa pagiging atleta at mountaineer.
Ngunit hindi sa paglantad katawan gusto makilala ni Atom. Mas gusto niyang hubaran ang lipunan kaysa sarili upang ipakita ang tunay na kalagayan ng lipunan.
Ayon kay Atom, mas "experiential" ang pagkukuwento nila sa "Kalye" upang maging mas malinaw at mas interesting para sa manonood ang kanilang palabas.
"Mas loose kami, mas conversational. Imbes na nakaupo lang at nagtatanong. pinagdadaanan din namin yung gawain ng mga itinatampok naming personalidad," paliwanag ni Atom.
Hindi naman na bago para kay Atom ang madumihan at humarap sa peligro. Bilang isang lider-estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas, sanay na siya sa sumuot sa kung saan-saan, tiisin ang ilang araw na walang ligo, at kung minsan pati gutom para isulong ang kapakanan ng kabataan at masa.
Ayon kay Atom, malaking tulong ang pagiging youth leader niya sa kaniyang pag-uulat. "Malaking bagay yung mulat ka na sa mga nangyayari sa paligid mo. Kaya ako bilang isang mamamahayag, layunin kong maging kapanipakinabang sa audience hindi lamang sa pag-salamin ng lipunan kundi himukin silang maging simula ng pagbabago. Nagiging mas mapangahas ako, mas daring," aniya.
Sa ilang taon niya bilang reporter at anchor sa ABS-CBN, napatunayan ni Atom na bukod sa gandang-lalaki at talino, may mabuti at malalim na hangarin din siya para sa bansa. Iyan ang hubad na katotohanan.
Tulad ni Atom, handa ring mag-daring sina Anthony Taberna at Sol Aragones sa "Kalye." Ngayong linggo, iikot si Anthony kasama ni Efren Penaflorida sa pagtuturo nito sa mga bata sa kalsada gamit ang kaniyang kariton school. Si Sol naman ay sisisirin ang malalim na problema sa dumi ng Manila Bay.
Panoorin si Anthony Taberna, Sol Aragones, at Atom Araullo sa kanilang makabuluhang pamamasyal sa "Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan" ngayong Lunes (Mar 23),




Leave your response